![118518542_309863520347440_74091743591366](https://static.wixstatic.com/media/bdd64d_bd591f62a2d94b88914eb2e6d55f2fa3~mv2.png/v1/fill/w_940,h_1316,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/118518542_309863520347440_74091743591366.png)
Sana OL, Present Press Release
(English)
For almost 6 (six) months, the Philippines has been under lockdown due to the continous increase of COVID-19 cases in the country. Despite having the longest quarantine period, Philippines remain to have the most number of cases in Southeast Asia due to the lack of support and medical solutions from the government. In addition, more issues continue to arise each day along with the pandemic such as economic recession, mental health problems, and issues with our very own homes. While all of these are happening, one of the biggest problems that children and young adults are facing today is undergoing online classes. With this, it is clear that the government does not pay attention to the needs of its people as it continues to push through with a neoliberal form of education despite the lack of resources and preparation of schools and students for this new mode of learning.
In response to these pressing national issues, UP Replings 19BC, applicants for The UP Repertory Company, will be staging their very own online theatre production entitled “Sana OL, Present”. This is a twinbill production featuring the plays “Present!” And “Sana OL: Tale as OLd as Taym”.
Plays’ Synopsis
“Present!” is about incoming Grade 12 students along with their homeroom adviser – preparing for their upcoming online classes through an online video meeting. Despite of having different situations and challenges in life that they are facing during the pandemic, all of them will share the same occuring struggle as the online class starts – it will later result into a call to action because of an unbearable conflicts that is faced with every individual in their class.
“Sana OL: Tale as OLd as Taym” revolves around Ola who has two realities – one being narrated, the other being acted. What binds these two together is the fact that in both realities, there exists kings/leaders who rule yet don’t care about their people. So their seperate journeys have one same trajectory – to be socially aware of their surroundings and to be exposed of the real world and set-up they are actually in.
“Sana OL, Present” will officially premiere on September 13, 2020, 7PM on their Facebook page, “Sana OL, Present” through FB live. This is done in partnership with Rise 4 Education’s Tulong Isko, a donation drive for students who are having a hard time adjusting and transitioning into remote learning due to technological limtations.
So make sure to watch it with/make your family, friends, classmates, lovers or colleagues watch it in the “comfort” of your own homes because Sana ol, present sa premiere!
(Tagalog/Filipino)
Sa loob ng halos 6 (anim) na buwan, Ang Pilipinas ay sumailalim sa isang pangmalawakang lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa kabila ng pagkakaroon ng pinakamahabang panahon ng quarantine, ang Pilipinas ay nananatiling may pinaka malaking bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Timog-Silangang Asya dahil sa kakulangan ng suporta at solusyong medikal mula sa pamahalaan. Dagdag pa rito, maraming mga isyu ang patuloy na lumalala sa araw-araw kasabay ng pandemya katulad na lamang ng pagbagsak ng ekonomiya, mga suliraning pangkaisipan o mental health problems, at mga isyu sa ating kani-kanyang tahanan. Habang nangyayari ang lahat ng ito, isa sa mga pinakamalaking suliranin ng mga kabataan ay pagharap sa nakaabang na online classes. Dahil dito, malinaw na ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng sapat na pansin sa pangangailangan ng mga nasasakupan nito habang patuloy nitong isinusulong ang neoliberal na porma ng edukasyon sa kabila ng kakulangan ng mapagkukunan at kahandaan ng mga paaralan at mga estudyante para sa isunusulong na bagong moda ng pagkatuto.
Bilang tugon sa mapanghamong mga pambansang isyu na ito, ang UP Replings 19BC, mga aplikante ng The UP Repertory Company, ay magtatanghal ng kanilang sariling online theatre production na pinamagatang “Sana OL, Present”. Ito ay isang twinbill production na itinatampok ang mga dulang “Present!” at “Sana OL: Tale as OLd as Taym."
Sinopsis ng mga Dula
Ang dulang “Present!” ay patungkol sa mga mag-aaral na incoming Grade 12 kasama ang kanilang gurong tagapayo na naghahanda para sa paparating na online classes sa pamamagitan ng isang online video meeting. Sa kabila ng pagkakaroon nila ng iba’t-ibang sitwasyon at pagsubok sa buhay sa panahon ng pandemya, lahat sila ay magsasalo sa iisang umiiral na paghihirap sa panahon na magsimula na ang online class – ito ay kalaunang magreresulta sa isang panawagan ng pagkilos dahil sa mga hindi na matiis na mga paghihirap ng bawat isa sa kanilang klase.
Ang “Sana OL: Tale as OLd as Taym” ay umiikot sa karakter na si Ola na may dalawang realidad sa dula – isang sinasalaysay at isang ina-arte. Ang naguunay sa dalawang ito ay ang katotohanan na mayroong parehas na umiral na mga haring namumuno ngunit walang pakialam sa mga nasasakupan nito. Kaya’t ang kanilang magkahiwalay na paglalakbay ay may iisang kahihinatnan – pagiging mulat sa realidad ng lipunan na kanilang ginagalawan at pagiging malay sa totong mundong kanilang kinabibilangan.
Ang “Sana OL, Present” ay opisyal na ipapalabas sa Ika-13 ng Setyembre, 2020 sa ganap na Ika-7 ng gabi, sa kanilang facebook page na “Sana OL, Present” sa pamamagitan ng FB Live. Kabahagi sa paghahandog ng produksyong ito ang Rise 4 Education, Tulong Kabataan – isang donation drive para sa mga mag-aaral na nahihirapang itawid at mag-handa para sa darating na remote learning dahil sa mga limitasyong teknolohikal.
Kaya’t sana ay panoorin natin ito kasama ang ating mga mahal sa buhay, pamilya, kasintahan, mga kaibigan, kaklase, kakilala o ‘di kaya’y siguraduhin nating sila’y manonood sa darating na premiere nito kasi Sana OL, Present!
SEPTEMBER 11, 2020